Biyahe ng MRT itinigil dahil sa bagong aberya

MANILA, Philippines - Pansamantalang itinigil ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3)nitong Sabado bunsod ng pani­bagong aberya sa radio communication system nito.

Ayon kay MRT spokesperson Atty. Hernando Cabrera, dakong alas-11:15 ng umaga nang mapansin ng mga driver na hindi nakakatanggap ng transmission mula sa control center nito gamit ang kanilang radio communication system.

Dahil dito, pagsapit ng alas-12:05 ng tanghali ay nagdesisyon na ang pamunuan ng MRT na ibaba na ang lahat ng pasahero sa pinakamalapit na is­tasyon.

Sinabi ni Cabrera na ang pagpapababa ng mga pasahero ay bilang bahagi ng kanilang standard ope­rating procedure (SOP) upang matiyak na ligtas ang mga ito at maiwasan na rin ang naganap sa EDSA-Taft Avenue Station sa Pasay City noong Agosto 13, kung saan 34-katao ang na­sugatan nang madiskaril ang isang MRT train.

Habang isinusulat ang balitang ito ay tuloy pa rin ang pagkumpuni sa communication system at hindi pa batid kung kailan magbabalik ang normal na operasyon ng tren.

 

Show comments