^

Metro

Mag-ama ginulpi ng Iranian

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang security officer ng Manila City Hall at anak nitong 16-anyos na  estudyante ng Unibersidad de Manila (UDM) ang  bugbog-sarado sa  isang Iranian  national nang mapagkamalan ang mag-ama na humoldap sa huli sa  Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Humarap sa tanggapan ng Manila Police District-Ge­neral Assignment Section  ang menor de edad , residente ng  Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan, na itinago sa pangalang Jun-jun,  sa kabila ng mga pasa at bugbog nito sa katawan at mukha upang ireklamo ang suspek na kinilalang si  Seyed Razi Madjid Jabbari, 30, nanunuluyan sa Bambang Sta. Cruz, Manila.

Kasalukuyan pang ino­obserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang ama nitong si Elizalde Villanueva, 43, City Security Force (CSF) ng Manila City Hall sanhi ng tinamong malaking sugat sa ulo at mga pasa sa katawan.

Sa ulat ni SPO1 James Poso ng MPD-GAS, nag­harap ng reklamo ang menor- de-edad subalit ipinagharap din sila ng kaniyang ama ng reklamo ng nasabing dayuhan.

Robbery ang reklamo ng Iranian dahil sa pagkawala umano ng kaniyang IPhone 4,  cash na P35,000 at 2 ATM card, habang kasong serious physical injuries naman ang kasong kahaharapin nito sa reklamo ng mag-ama bukod­ pa sa paglabag sa Child Abuse Law, sa panggugulpi sa menor-de-edad.

Sa bersiyon ng binatilyo, dakong alas- 8:00 kamaka­lawa ng gabi, nang mag-a­abang umano sila ng masasakyang jeep ng kaniyang ama sa Rizal Avenue northbound ng hindi umano sinasadyang mabangga ang maskuladong dayuhan at doon na nagsi­mulang bugbugin sila.

Natigil lamang ang pambubugbog nang rumesponde ang mga tauhan ni P/Sr.Insp. Romeo Rocini , Block Commander ng MPD-Alvarez Police Community Precinct  at dinala sila sa MPD-GAS.

ALVAREZ POLICE COMMUNITY PRECINCT

ASSIGNMENT SECTION

BAMBANG STA

BLOCK COMMANDER

CHILD ABUSE LAW

CITY SECURITY FORCE

CRUZ

MANILA CITY HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with