^

Metro

Pagpapagamit ng South terminal, ipinagpaliban

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pro­b­lema ang Metropo­litan Ma­­nila Development Au­tho­­­rity (MMDA), dahil ipi­­nagpaliban muna ni Mun­tinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang pag­­­­pa­pagamit ng South terminal para sa 556 provincial buses na itinuturing na mga kolorum at out-of-line dahil hindi pa umano handa sa bagong sistema ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Dapat bukas Miyer­kules, Agosto 20 ipaga­gamit na sa mahigit 500 out-of-live at kolorum na provincial buses ang naturang terminal.

Subalit,  pansamatala munang ipinagpaliban ni Fresnedi ang pagpapagamit nito sa mga pro­vincial buses, dahil sa hindi pa aniya handa ang LTFRB sa bagong sis­tema, bukod sa kakula­ngan ng sticker na ikaka­bit sa mga ito.

Nabatid, na hindi rin umano nakikipag-ugnay ang LTFRB sa pamunuan ng SLEX na maaapek­tuhan din.

Kung kaya’t nagdadalawang isip umano si Fresnedi sa pagpapaga­mit ng terminal sa Ala­bang, Muntinlupa City  lalu’t sila aniya ang sa­salo sa magiging problema sa  trapiko.

Paalala ng alkalde sa LTFRB, dapat aniyang plantsahing ma­buti  ang kanilang plano dahil kung hindi aniya magiging ma­ayos ito baka hindi na ipagamit ng Muntinlupa City government ang ka­nilang lugar bilang provincial bus terminal.

Nauna rito inins­pek­s­yon  ng MMDA at ni Ma­yor Fresnedi ang south terminal na ipapagamit sa mga provincial bus, kung saan may tatlong ektarya ang lawak nito na nasa loob ng Filinvest City.

vuukle comment

AGOSTO

CITY MAYOR JAIME FRESNEDI

DEVELOPMENT AU

FILINVEST CITY

FRESNEDI

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

MUNTINLUPA CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with