^

Metro

100 administrative cops, isasabak na sa labas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isandaang pulis  ang inalis na kama­kalawa  sa administrative duty sa Camp Crame at  agad isasabak sa anti-crime campaign sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Ito’y sa gitna na rin ng tumataas na bilang ng kriminalidad sa Metro Manila kabilang na ang motorcycle riding in tandem na nambibiktima ng mga mamamayan.

Sinabi ni Supt. Manuel Gaerlan, Executive Officer ng Directorate for Personnel and Records Management , ang deployment ng 100 pang pulis sa Kalakhang Maynila  ay upang makadagdag sa police visibility.

Inihayag ng opisyal sa send –off ng mga pulis na si NCRPO Chief P/Director Carmelo Valmoria na ang bahalang maghati sa deployment ng nasabing 100 pulis sa Camp Crame sa limang Police District sa Metro Manila.

Samantalang may plano rin na gamitin ang mga non –uniformed personnel sa pagpapatrulya sa mga lansangan partikular na sa mga crime prone areas.

Inihayag  ng opisyal na sa kasalukuyan ay nasa 1:500 ang “police to population ratio” sa NCRPO  kung saan sa kasalukuyan ay nasa 18,000 personnel ang nagbibigay proteksyon sa 12-15 milyong mamamayan.

 Sa kabila nito ay patuloy naman ang recruitment  ng PNP para sa mga bagitong pulis para makadagdag sa pagpapalakas pa ng anti-criminality campaign ng PNP.

CAMP CRAME

CHIEF P

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

EXECUTIVE OFFICER

INIHAYAG

KALAKHANG MAYNILA

MANUEL GAERLAN

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with