Koreana biktima ng tandem na kawatan

MANILA, Philippines - Na-trauma ang isang 35-anyos na Koreana ma­tapos agawin ang dala niyang bag ng riding-in-tandem na suspect,  kahapon ng umaga sa Pasay City.

Habang sinusulat ang ba­litang ito ay shock pa rin ang biktimang si Cho Hye Jia, pansamantalang nanunulu­yan sa Antel Sea­view Tower­, Roxas Blvd. sa lungsod.

Ayon sa report na nakarating sa tanggapan ni Police Chief Inspector Angelito de Juan, hepe ng Pasay City Police, Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), naganap ang insidente alas-10:00 ng umaga habang naglalakad ang biktima pabalik sa hotel­ na tinutuluyan nito nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang mga suspect.

Biglang inagaw ng mga ito ang dalawang kulay itim na bag ng biktima na nagla­laman ng cellphone na Samsung na nagkakahalaga ng P20,000, Alien Certification Registration at iba pang mahahalagang dokumento.

Dali-daling nagsitakas ang mga suspek at ang biktima naman ay  sinamahan sa Pasay City Police Headquarters upang i-report ang insidente.

 

Show comments