Fetus pinaanod sa kanal

MANILA, Philippines - Isang fetus ang natagpuan habang palutang-lutang sa isang kanal sa may Ba­lintawak sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 3, ang fetus  ay natagpuan sa kanal sa may Gana compound, Balintawak, Brgy. Unang Sigaw, alas-2:30 ng madaling-araw.

Sinasabing pagkabukas ng isang Marlon Paycolan sa takip ng imburnal ay  bumulaga sa kanya ang fetus na nakalutang.

Agad niyang iniahon ang fetus at inilagay sa isang kahon saka ipinagbigay alam sa barangay na siya namang tumawag ng otoridad.

Sinasabing posibleng pinaanod lang ang fetus sa kanal matapos na iluwal itong patay ng kanyang ina.  

Show comments