Ex-con itinumba
MANILA, Philippines - Isang ex- convict ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek habang abala sa paglalaro ng computer games, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila. Dead-on-the spot ang biktimang si Ronald Bautista, 44, miyembro ng ‘Batang City Jail’ at naninirahan sa Kagitingan Tondo, Maynila habang nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang suspek.
Sa report ni PO2 Michael Marragun, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-12:55 ng madaling-araw habang naglalaro ng Piso Net sa nabanggit na lugar. Hindi namalayan ng biktima ang paglapit ng suspek sa kanyang likuran at pinaputukan ang una ng tatlong beses.
Ayon sa misis ng biktima na si Zenaida, lumabas umano sa kulungan ang nasawi noong 2010 sa kasong robbery.
Inaalam naman ng pulisya ang motibo sa pagpaslang.
- Latest