^

Metro

Bangkay ng kelot, nilagay sa drum saka pinaanod

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na inilagay sa loob ng plastic drum ang natagpuang lumulutang  sa isang estero, sa San Miguel, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima sa edad na 40 hanggang 45-anyos, 5’3’’ hanggang 5’4’’  ang taas, payat, naka­suot ng itim na t-shirt , itim na short pants at  tadtad ng tattoo ang katawan. Nakagapos ang buong katawan ng biktima ng electrical wire, nasasakluban ng plastic bag ang mukha at sako at napapalibutan o selyado ang kabuuan ng mukha nito  ng packaging tape. Nakitaan din ng malaking hiwa sa mismong bibig nito.

Sa ulat ni SPO2 Richard Limuco kay  Senior Insp. Steve Casimiro, alas-7:30 ng umaga nang mamataan ni Gng. Noralinda Buleg, maybahay ni Chairman Suharto Buleg,  ng Brgy. 647 Zone  67, ang na­sabing drum sa Estero de San Miguel sa Padang Karbal Park, P. Casal St., sakop ng San Miguel, na kalapit ng Islamic Center sa Quiapo, Maynila.

Hinihinalang itinapon sa nasabing estero ang biktima na pinaniniwalaang may  24 oras nang patay.

May teorya ang mga awtoridad na sindikato sa iligal na droga ang may kagagawan ng uri ng pagpatay,  tulad ng mga dating napaulat na isinisilid sa drum at binabaril sa bunganga ang mga pinaghihinalaang naglalaglag sa kanilang operasyon at hindi nakakapag-remit ng benta sa droga.

Inilagak pansamatala ang bangkay sa St. Rich Funeral Services. 

vuukle comment

CASAL ST.

CHAIRMAN SUHARTO BULEG

ISLAMIC CENTER

MAYNILA

NORALINDA BULEG

PADANG KARBAL PARK

RICHARD LIMUCO

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with