Bibili ng gasolina laborer binoga

MANILA, Philippines - Isang 21 an­yos na lalaki ang patay makaraang pag­babarilin sa ulo at kata­wan ng hindi nakikilalang sa­larin sa may Payatas Road, lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot ang biktimang si Emilio Tandog, laborer ng  Phase 1, Purok 2, Lupang Pangako, Brgy. Payatas sa lungsod.

Ayon kay PO2 Louie Serbito, imbestigador sa kaso, blangko sila sa pagkaka­ki­lanlan ng salarin na tumakas makaraan ang krimen.

Nangyari ang insidente­ sa may kahabaan ng Paya­tas Road, corner Hopes St., ng nasabing barangay ganap na alas-3:45 ng ma­da­ling araw.

Sabi ni Mark Lester Lar­dizabal, kumpare ng biktima, nag-iinuman umano silang dalawa nang ilang sandali ay nagpaalam sa kanya ang biktima na bibili ng ga­soline.

Makalipas ang ilang mi­nuto, nalaman na lang niya mula sa ilang kapitbahay na pinagbabaril na ang biktima sa nasabing lugar.

Sa pahayag naman ng isang security guard na nakaposte malapit sa pinangyarihan ng pamamaril, putok lang ng baril ang kanyang narinig hanggang sa makita na lang niya ang biktima na walang buhay na nakahandusay sa lugar habang naliligo sa sarili nitong dugo.

Dagdag ni Serbito, posibleng malaki ang galit ng salarin sa biktima dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan nito at sinigurong hindi na siya mabubuhay pa. Narekober sa lugar ang mga bala ng kalibre 45 at .9mm.

Show comments