Trader todas sa tandem

Iniimbestigahan ng  pulisya ang  bangkay ng biktima na si Emilio Tandog na pinagbabaril ng mga hindi pa nakikila-lang suspek sa  Quezon City. (Kuha ni Bening Batuigas)

MANILA, Philippines - Patay  ang isang negos­yanteng Tsinay nang tam­bangan ng riding in tandem habang sakay ng ka­­­ni­­yang Starex van, sa Sam­paloc, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Si Mary Li, 58, ng Greenmeadows, Quezon City at may-ari ng isang kilalang fastfood ay idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Sampaloc bunga ng dalawang tama ng bala sa ulo at pisngi.

Dalawang lalaki na mag­ka-angkas umano sa motorsiklong walang plaka, na kapwa nakasuot ng helmet ang sinasabing responsable sa ambush.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio­ Lingcong ng Manila Police­ District-Homicide Section­, dakong alas-5:10 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa Vicente Cruz St., Sampaloc.

Sakay umano ang bik­tima ng nasabing van kasama ang isang kaibigang branch manager din na si Arlene Rizano, 27 na minamaneho ng kaniyang driver na si Ruel Dumdum, 36 nang dikitan ng mga suspek na nakamotorsiklo ang  bahagi ng  kinauupuan ng  biktima.

Dito na pinuntirya ng suspek si Li kung saan dalawang tama ng bala ng  baril sa ulo at pisngi ang  ibinaon.

Hindi naman idinamay ang driver at ang kasamang­ si Rizano.

Walang tinangay na anu­man mula sa biktima ang mga suspek na nagmada­ling tumakas sa direksiyon ng Lardizabal St.

Show comments