Estibador binaril sa pagitan ng 2 mata
MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 29-anyos na estibador nang barilin nang malapitan sa pagitan ng kanyang dalawang mata na tumagos sa likod ng ulo, habang naglalakad patungo sa tindahan sa Vitas, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktimang si Christopher Barro, alyas Dugo, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) at residente ng Maynilad Compound, Tondo.
Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang lumabas umano ng bahay ang biktima para bumili ng soft drinks at lapitan ng hindi nakikilalang suspect at barilin sa noo.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente habang ang bangkay ay inilagak na sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya.
- Latest