Truck na may kargang NFA rice tinangay

MANILA, Philippines - Isang truck na may sakay na 270 sako ng NFA rice ang hinihinalang tinangay ng driver nito  sa Pasay nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni PO3 Melvin Garcia­ ng Pasay Police Station ang driver na si Joel Dacuma,   at residente ng Elena St. Ma­ricaban, Pasay.

Sa reklamo kahapon sa Pasay Police ng complainant na si Jayson Dimailig, truck owner, 27, sinabi nitong ganap na alas-3:30 ng Biyernes ng hapon ay ide-deliver ni Dacuma ang naturang mga bigas sa NFA outlet sa Maricaban Talipapa sa nasabing lungsod.

Bandang alas-4 ng hapon habang minamaneho na ni Dacuma ang truck (ZKS 174)  lulan ang 270 sako ng bigas ay tumawag ito sa telepono kay Dimailig at nagsabing siya ay nahuli sa daan. Noong panahong iyon ay kasama umano ni Dacuma ang isang Alfie.

Ayon sa complainant, pina­yuhan na lamang niya si Dacuma na ayusin na lamang ang problema para maideliber agad ang bigas sa naturang lugar.

Anya, dumating ang madaling-araw ng Sabado, August 9 ay hindi na naipaalam sa kanya ni Dacuma ang nangyari at nang kanyang tawagan ang telepono nito ay hindi na makontak ang naturang driver.

Naghinala na si Dimailig kayat minabuti niyang tu­ngu­hin ang dapat sana’y NFA outlet na pagdadalhan ng naturang mga bigas pero wala ditong dumating na delivery ng NFA rice.

Iniimbestigahan na ng Pasay police ang insidente.

Show comments