MANILA, Philippines - Tinangkang unahan ng isang pampasaherong jeep ang pulang ilaw ng traffic light, ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ito ng bus sa lungsod ng Makati ngayong Miyerkules.
Sugatan ang 14 na pasahero ng jeep na mula ng terminal sa Forbes Park na tinangkang unahan ang red light sa panulukan ng EDSA at Ayala Avenue.
Sa ilegal na pagtawid ng jeep ay nabangga siya ng Claro Trans bus na mula sa southbound lane ng EDSA.
Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima, habang dinala sa Makati City Traffic Center ang bus at jeep para sa imbestigasyon.