Saudi Airlines sumadsad sa NAIA runway

AP

MANILA, Philippines — Labing-isang flights ang naantala matapos sumadsad sa runway ng Ninoy Aquino International Airport ang isang eroplano ng Saudi Arabian Airlines kagabi.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente at ligtas ang 298 pasahero ng Boeing 747 na eroplano.

Palipad na sana ang Flight SV871 na biyaheng Riyadh nang maganap ang insidente.

Nalubog sa putik ang gulong ng eroplano dahil na rin sa matinding buhos ng ulan.

Kanselado ang biyahe ng naturang eroplano at sinagot na rin nila ang hotel accommodation ng mga apektadong pasahero.

Show comments