MANILA, Philippines — Ibinasura ng Taguig Regional Trial Court ang mga mosyon nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na pigilan ang paglipat sa kanila sa normal na kulungan.
Naunang hiniling ni Lee, Cornejo, at isa pang akusadong si Simeon Palma Raz Jr. na malalagay sa panganib ang kanilang buhay kapag inilipat sila ng kulungan.
Kasalukuyang nakakulong sina Lee at Raz sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters sa Maynila, habang nasa kustodiya ng Crimininal Investigation and Detection Group sa Camp Crame, Quezon City si Cornejo.
Sinabi ng korte na walang masamang mangyayari sa tatlong akusado sa pambubugbog sa TV host na si Vhong Navarro.
"The interview of the Court on the detained prisoners had resulted [in] a finding that the detained prisoners had not hatred in mind against the accused herein."
Nangyari ang insidente sa loob ng Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City Taguig noong Enero.
Nadakip sina Lee at Raz noong Abril 26, habang kusang sumuko si Cornejo noong Mayo 5.
Bukod sa kasong serious illegal detention nahaharap din ang tatlo sa kasong grave coercion.