40-storey condo sa Maynila, dagdag-buwis at trabaho -- Manila Dad

Artist’s illustration ng Torre de Manila’ building

MANILA, Philippines - Tiniyak  ni  Manila 3rd District Councilor Joel Chua  na  malaki ang maitutulong sa kaban ng  lungsod at sa mga walang trabaho ang pagpapatayo ng 40-storey condominium sa Taft Ave. sa Maynila,

Ayon kay Chua na chairman ng  Oversight Com­mittee ng  Konseho ng Maynila, inaprubahan nila ang pagtatayo ng Torre De Manila dahil masosolus­yunan nito ang P4 bilyong utang ng lungsod bukod pa sa makakapagbigay ng trabaho sa mamamayan ng lungsod.

Paliwanag ni Chua,  binusisi nilang mabuti ang  mga dokumento at requirements ng condo kung saan sumunod na­man ang contractor nito na DMCI Homes sa pa­takaran. Nabatid na  noong nakaraang administrasyon pa binigyan ng building permit  at zoning permit ang  nasabing condominium.

Nagpulong din aniya ang mga kinatawan mula sa DMCI, National Historical Institute at administrasyon ng Luneta kung saan lumitaw na walang nilalabag na national law ang proyekto bagama’t aminadong may paglabag ito sa floor area ratio (FAR).

Sa usapin naman aniya sa height restriction, nasa kabila aniya ng LRT at malayo sa protected area na saklaw ng ordinansa ang natu­rang proyekto.

Kung may paglabag naman sa building ka­ila­ngan namang mag-apply sa Manila Zoning Board of Adjustments and Appeals (MZBAA) na ginawa naman ng  DMCI Homes kung ka­ya’t naaprubahan ang  proyekto. Una na ring si­nabi ni Manila Mayor Erap Estrada sa pag-apruba sa Torre De Manila na mas mahalaga ang pagsigla ng ekono­miya.

Show comments