MANILA, Philippines -Ito naman ang draft resolution na inihain ni Manila 6th District Councilor Joel Par na “A Resolution Urging the Department of Education And the Division of the City Schools of Manila to Integrate Cyberethics into the Basic Education Curriculum with the Intention of Educating the Youth for the Proper Use of Social Media”.
Ayon kay Par, hindi umano maikakaila na malaki ang impluwensiya ng social media partikular sa mga kabataan. Aniya ang kawalan ng sapat na kaalaman sa paggamit ng internet ay humahantong sa cyberbullying na nakakaapekto rin sa pagkatao ng isang taong biktima.
Sa ilalim ng Article XIV, Section 2 ng 1987 Constitutions dapat na ibigay at suportahan ng pamahalaan ang maayos na sistema ng edukasyon para na rin sa ikauunlad ng isang Filipino.
Naniniwala rin si Par na dapat na bigyan ng priyoridad ng DepEd at ng Division of the City Schools of Manila ang makabagong teknolohiya at sistema ng edukasyon lalo pa’t marami ang gumagamit ng social media.
Dagdag pa ni Par, matututo ang mga estudyante na maging responsable sa kanilang mga gawain at pag-uugali.