^

Metro

Cyberethics hiling isama sa curriculum

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Ito naman ang draft resolution na  inihain ni Manila 6th District Councilor Joel Par  na  “A Resolution Urging­ the Department of Education And the Division of the City Schools of Manila to Integrate Cyberethics into the Basic Education Curriculum with the Intention of Educating the Youth for the Proper Use of Social Media”.

Ayon kay Par, hindi umano ma­i­ka­kaila na malaki ang  impluwensiya ng social media partikular sa mga ka­ba­taan. Aniya ang kawalan ng sapat na kaalaman sa paggamit ng internet ay humahantong sa cyberbullying na nakakaapekto rin sa pagkatao ng isang  taong biktima.

Sa ilalim ng Article XIV, Section 2 ng 1987 Constitutions dapat na ibigay at suportahan ng pamahalaan ang ma­ayos na sistema ng edukasyon para na rin sa ikauunlad ng isang Filipino.

Naniniwala rin si Par na dapat na bigyan ng priyoridad ng DepEd at ng  Division of the City Schools of Ma­nila ang makabagong teknolohiya at sis­tema ng edukasyon lalo pa’t marami ang gumagamit ng social media.

Dagdag pa ni Par, matututo ang  mga estudyante na maging respon­sable sa kanilang mga gawain at pag-uugali.

A RESOLUTION URGING

BASIC EDUCATION CURRICULUM

DEPARTMENT OF EDUCATION AND THE DIVISION OF THE CITY SCHOOLS OF MANILA

DISTRICT COUNCILOR JOEL PAR

DIVISION OF THE CITY SCHOOLS OF MA

INTEGRATE CYBERETHICS

INTENTION OF EDUCATING THE YOUTH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with