Bebot kinatay sa apartelle
MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang apartelle sa Balintawak, Quezon City, kahapon ng umaga.
Inilarawan ng pulisya na tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos, mahaba ang buhok, kayumanggi ang kulay at walang saplot nang matagpuan.
Samantala, ang suspek ay sinasabing may 40 hanggang 45-anyos ay tumakas matapos ang insidente.
Ayon kay SPO1 Edwin dela Cruz, naganap ang insidente sa loob ng room 104 Balintawak Exit Apartelle EDSA, Brgy. Unang Sigaw, Balintawak, Quezon City dakong alas-7:00 ng umaga.
Sinasabing nag-check-in ang biktima at ang hindi nakikilalang lalaki dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa.
Alas-2:30 ng madaling- araw kahapon, nakita ng staff ng motel na si May Jean Nicolas na nagmamadaling umalis ng kuwarto ang kasamang lalaki ng biktima.
Alas-7:00 ng umaga kahapon tinangkang katukin ng attendant ng apartelle na si Jonard Salagan ang pintuan ng kuwarto ng biktima at makalipas ang ilang minuto ng pagkatok at walang sumasagot kung kaya sapilitan nang binuksan ang pinto ng key duplicate at dito na natagpuan ang naka-hubo’t hubad na bangkay ng biktima na wala nang buhay na may marka ng sakal sa leeg.
Tinangay din ng suspek ang mga mahahalagang gamit ng biktima.
- Latest