‘Tulak’ timbog sa buy-bust

MANILA, Philippines - Arestado ang isang babae matapos itong mahulihan ng shabu sa isang anti-drug operation na isinagawa ng Pasay City Police kama­kalawa.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Marieglo Quindara, 31, nakatira sa Pag-Asa Dos St., Maricaban ng naturang lungsod.

Ayon sa report na natanggap ni Chief Inspector Angel Aguas, hepe ng SOU/SAID SOTG Team Charlie, ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-4:15 ng hapon sa naturang lugar.

Nabatid, na isang anti-drug operation ang inilunsad ng pulisya upang dakpin ang umano’y isang tulak  sa naturang lugar.

Base sa isang intelligence report, ang suspek na na­dakip ay nakikipagsabwatan umano sa ilang itinuturing na drug pusher sa naturang lugar.

 

Show comments