^

Metro

FEU binulabog ng bomb threat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela kahapon ang klase  sa Far Eastern University (FEU)  sa   Maynila matapos na makatanggap ng  bomb threat ang security personnel ng  unibersidad.

Ayon sa pahayag ng unibersidad,  dakong alas-10:15  ng umaga nang  makatanggap ang kanilang security personnel ng bomb threat sa pamamagitan ng text message. Dahil dito agad umanong nagpulong ang mga opisyal at humingi ng tulong sa bomb disposal team ng  Manila Police District.

Sa loob lamang umano ng 30 minuto ay maayos na pinalabas ang mga estudyante sa kanilang mga classroom upang bigyan daan ang pag-clear ng mga awtoridad sa lugar. Dakong alas- 3  ng hapon nang ideklara ni  MPD Director Chief Supt. Rolando Asuncion  na cleared na ang lugar at  pananakot lamang  ang  insidente. Nag-abiso naman ang mga university officials na  may pasok  na bukas ang  mga estudyante.

AYON

DAHIL

DAKONG

DIRECTOR CHIEF SUPT

FAR EASTERN UNIVERSITY

KINANSELA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

ROLANDO ASUNCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with