MANILA, Philippines - Isang saleslady ang nasawi matapos na tamaan ng ligaw na bala sa ulo, habang sinasabing sugatan ang isang mag-ama sa Port Area, Manila, kamakalawa.
Dead-on-the-spot si Rogelyn Cabildo, 21, ng 168 Mall at residente ng Baseco Compound, Port Area, matapos na mapuruhan sa ulo.
Inoobserbahan naman sa Gat Andres Bonifacio Medical Memorial Center ang mag-amang sina Jonathan de Los Santos, 26 at anak na si Justine, 1, na residente rin ng nasabing lugar na kapwa tinamaan ng bala ng baril sa katawan
Batay sa ulat ni Det.Richard Escarlan naganap ang insidente dakong alas-3:55 ng hapon kamakalawa sa kahabaan ng Blk.9 Ext. Baseco, Compound sa Port Area.
Sakay ni Ameli Mokasib sa kanyang tricycle ang mga biktima nang mangyari ang insidente.
Tinapatan ng suspek si Mokasib at pinaulanan ng putok subalit ang tinamaan ay ang mga sakay nito.