^

Metro

Mandaluyong, maglalagay ng CCTV sa loob ng kulungan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglalagay ng Closed Circuit Television Camera (CCTV) ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong sa loob ng Mandaluyong Police detention cell para ma-monitor ang kilos at galaw ng bawat preso.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, layu­nin nilang hindi na maulit  pa ang pagpuga ng mga preso kaya sila maglalagay ng CCTV sa kanilang police station.

Sa ngayon aniya ay may CCTV na sa lobby ng jail pero na­bigong makuhanan ang may 11 preso na tumakas noong July 21.

Sinasabing ang misis ni Jordan Villadolid na lider ng mga pumugang preso ang siyang nagdala at nagbigay ng maliit na lagareng bakal na siyang ginamit sa pagsira ng kulungan kaya naisagawa ang pagtakas.

Inatasan na rin ni Mayor Abalos ang kanilang engineering department na kagyat na ayusin at maglagay ng mas matibay na bakal sa nilagareng kulungan.

Sa 11 presong nakapuga ay apat na sa kanila ang muling naibalik sa selda na kinabibilangan nina Archie Pacheco, Gabby Capistrano, Nelson Yambao at Alber Llaneta.

ALBER LLANETA

ARCHIE PACHECO

CLOSED CIRCUIT TELEVISION CAMERA

GABBY CAPISTRANO

JORDAN VILLADOLID

MANDALUYONG CITY MAYOR BENJAMIN ABALOS

MANDALUYONG POLICE

MAYOR ABALOS

NELSON YAMBAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with