Pagbabago sa BI patuloy – Mison

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Immigration (BI) Commissioner Siegfred B. Mison  na  tuluy-tuloy  ang kanilang  pagbabago alinsunod na rin sa kautusan ni  pangulong Noynoy Aquino na baguhin ang sistema sa tatlong kawanihan.

Ayon kay Mison ang ka­nilang kampanya laban sa anti-graft and corruption ay bahagi ng nakaraang   State of the Nation address (SONA) ni  Aquino kung saan sinabi ng pangulo na ang  BI ay isa lamang sa tatlong ka­­wanihan talamak ang korup­­siyon.

Ito na rin ang dahilan kung kaya’t inilagay si Mison bilang officer-in-charge upang makamit ng BI ang “daang matuwid.”

Bagama’t pangunahing tungkulin ng BI na tiyakin ang  seguridad ng mga inter­national borders at  points of entry at departure,  nais ding linisin ng  BI ang  kawanihan  mula sa mga mapang-abuso at corrupt na opisyal.

Kamakailan ay nagsa­gawa ng pagbalasa si Mison sa BI kung saan sinibak ang mga personnel na sangkot sa iba’t ibang  katiwalian.

Bahagi rin ng moderni­zation at automation prog­ram ng BI ang pagkakaroon ng 230 new passport readers­. Layunin nito na  ma­iwasan ang overcrowding­ at ng queues sa mga BI counter, partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Show comments