^

Metro

Direktiba ni PNoy nilabag ng LTFRB – MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilabag umano ng  Land Transportation Franchising­ and Regulatory Board (LTFRB) ang direktiba ni Pa­ngulong Benigno Aquino III sa pagtatayo ng mga “integra­ted bus terminals” makaraang payagan muli umano ang mga provincial buses na makapasok ng Metro Manila.

Ito naman ang binigyan diin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino kasabay ng  pagkuwestiyon sa inilabas na “memorandum circular” ng LTFRB na nagpapayag sa mga provincial buses at mga AUV (asian utility vehicles) taxis” ng wala umanong konsul­tasyon sa kanya bilang hepe ng MMDA at maging sa mga alkalde ng Metro Manila na siyang bumubuo sa Metro Manila Council (MMC).

Ayon kay Tolentino, hindi pa umano siya pormal na pinapadalhan ng kopya ng naturang memorandum ngu­nit nabasa niya ito sa pamamagitan ng kopya na naibigay sa isa niyang opisyal.

Sa bagong memorandum ng LTFRB, nangangamba si Tolentino na lalo pang titindi ang buhol-buhol na trapiko hindi lang sa EDSA ngunit sa iba pang parte ng Kamay­nilaan.

Kailangan din umanong linawin ng LTFRB ang kanselasyon ng pagbabawal sa mga “out of line” dahil sa ikinukunsidera ng MMDA na “kolorum” ang mga sasak­yan na “out of line”.

“Sa integrated bus terminal, mataas na policy ito.  Hindi maaaring baguhin ng isang ahensya ng pamahalaan ang direktiba galing sa Office of the President,” ani Tolentino.

Idinagdag pa ni Tolentino na wala namang nadadagdag na bagong kalsada sa Metro Manila para gumawa ng mga bagong ruta dahil sa pawang “reblocking” lamang ang ginagawa.

BENIGNO AQUINO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OFFICE OF THE PRESIDENT

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with