Palaboy nahagip ng tren, todas

MANILA, Philippines - Lasog ang hindi pa kilalang lalaki nang mahagip ng tren at tumilapon ng ilang metro habang naglalakad sa tabi ng riles  sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan lamang ang biktima sa edad na  45 hangggang 50-anyos, may taas na 5’3 hanggang 5’5’’.

Sa ulat ni SPO1 Rey Fernandez  ng  Manila Traffic Enforcement  Unit , dakong  alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahagi ng Buenos Aires sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa kabila umano ng maingay na pagbusina ng rumaragasang Philippine National Railways train ( body no. MSC-800)  na nasa northbound galing Taguig at  patungo sa tutuban, hindi umano ito  pinansin ng biktima at nakita na lamang itong tumilapon.

Sa pagbagsak sa semento ay humampas ang ulo at agad ring namatay ang biktima.

Show comments