^

Metro

2 miyembro ng ‘Dura-dura gang’, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ta­uhan ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) ang dalawang holdaper na miyembro ng “Dura-dura Gang” makaraang mambiktima ng mga pasahero ng isang jeep, kahapon ng tanghali sa Monumento, Caloocan City.

Iprinisinta kahapon ni DPSTM chief, Larry Castro kay Mayor Oscar Malapitan ang mga suspek na nakilalang sina Edgardo Baisa, 44; at si Noel Aragon, 43, kapwa residente ng Dagat-dagatan, Malabon.

Sinampahan naman ng kasong robbery hold-up ang mga suspek ng tatlong biktima sa pa­ngunguna ni Alvin Miralles, 21, isang dish- washer, at residente ng  BNBA Se­cond Street, 5th Avenue, Caloocan.

Sa salaysay ni Miralles, bumibiyahe siya sa may Monumento sakay ng jeep nang duraan sa balikat ng isa sa mga suspek na nagpanggap na pasahero.  Nang magkagulo, dito nanamantala ang mga kasabwat na dinukutan ang isa sa mga pasahero habang tinutukan naman ng patalim si Miralles upang hindi siya pumalag.

Nang bumaba ang mga suspek, dito na hu­mingi ng saklolo si Miralles sa mga naka-duty na traffic enforcers na agad namang rumes­ponde at nakorner ang dalawang suspek sa kanto ng Rizal Avenue at EDSA.

ALVIN MIRALLES

CALOOCAN CITY

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

EDGARDO BAISA

LARRY CASTRO

MAYOR OSCAR MALAPITAN

MIRALLES

MONUMENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with