^

Metro

24,000 tableta ng Cytotec, nasamsam sa Indian national

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May  24,000 mga tabletang Cytotec ang sinamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa isang Indian national na dumating galing  Bangkok, Thailand sakay ng eroplanong Thai Airways flight TG621 kahapon.

Ang Cytotec ay ginagamit bilang gamot sa duodenal ulcer at gastric ulcer pero naging sikat ang na­sabing gamot nang gamitin ito bilang pam­palaglag o abortion pills.

Sinabi ni Customs police chief,  Col. Reggie Tuazon, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Bangkok na isang pasahero na nagngangalang Mohanty Srikant, ang may dalang 24,000 tableta na ipinagbabawal ng Food and Drugs Administration.

 Nabatid kay Customs anti-illegal drugs head Sherwin Andrada na pagdating ni Srikant sa NAIA terminal 1, inoobserbahan na ng Customs operatives ang pasahero.

 Nang kunin ni Srikant ang kanyang black trolley bag sa baggage carousel, saka naglapitan ang mga awtoridad sa Indian national. Agad na inimbitahan ito para sa interogasyon kung saan ang kanyang bagahe ay mahigpit na ininspeksyon.  

 

ANG CYTOTEC

BUREAU OF CUSTOMS

DRUGS ADMINISTRATION

MOHANTY SRIKANT

REGGIE TUAZON

SHERWIN ANDRADA

SRIKANT

THAI AIRWAYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with