^

Metro

Expressway Holiday hiling sa NLEx, SLEx

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEx), South Luzon Expressway (SLEx) at iba pang expressway authorities na magpatupad ng ‘Expressway Holiday’ para sa mabilis na biyahe ng libu-libong sasakyan ng mga delegas­yon sa darating na sentenaryo ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Bulacan sa Linggo (Hulyo 27).

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ngayon pa lamang ay tinatayang nasa 10,000 buses at 2,400 Asian Utility Vehicles na maghahatid sa libu-libong delegado mula sa iba’t ibang panig ng bansa tungo sa Philippine Arena sa bayan ng Bocaue, Bulacan.

Importante na magpatupad ng “Expressway Holiday” ang mga expressway partikular na ang NLEx kung saan maglaan ng espesyal na lane para sa mga sasak­yan ng INC habang ilaan ang Tabang Exit para lamang sa INC. 

Malaking bahagi naman ng mga bayan sa Bulacan na kanugnog ng bagong tayong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ang magiging parking­ area ng mga sasakyan. 

Inaasahang pinakamala­king delegasyon ang mga mag­mumula sa National Ca­pital Region subalit daragsa rin ang delegasyon buhat sa Region 1, Region 2, CAR, Re­gion 3, Region 4, Region 5, at maging sa mas malala­yong probinsya sa Visayas at Mindanao.

Umapela naman si Tolentino, ang naatasang mamuno sa Task Force Sentenaryo sa mga motorista na huwag na lamang ituloy ang kanilang lakad tungo sa Norte sa Hulyo­ 26 hanggang 28 upang ma­iwasan na maipit sa ina­asa­hang matinding pagbu­buhol ng trapiko hindi lang sa NLEx maging sa MacArthur Highway.

Umaapela rin ang mga alkalde sa Bulacan sa mga grupo ng truckers na pansamantala munang huminto ng operasyon para makaluwag sa daloy ng trapiko.

 

ASIAN UTILITY VEHICLES

BOCAUE

BULACAN

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

EXPRESSWAY HOLIDAY

HULYO

PHILIPPINE ARENA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with