^

Metro

Development plan project kontra brownout, isusulong sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na daranas pa ng brownout ang Quezon City kapag naipatupad na ang development plan project ng lokal na pamahalaan para sa power sector.

Nais ni  Quezon City   Mayor Herbert M. Bautista na magpatupad ng kaukulang measure sa lungsod  upang e-require ang power sector sa pangunguna ng Meralco na magkaroon ng 5  hanggang  10  taong development plan para maiwasan o maibsan ang brownouts sa lungsod laluna kapag may kalamidad tulad ng bagyo.

Sa ginawang clearing at cleaning operations  sa QC Hall makaraan ang bagyong Glenda, sinabi ni Bautista na hihilingin niya sa city council na magpasa ng isang ordinansa na eenganyo sa   power sector na gamitin ang  underground lines  upang maiwasan ang pagkawala ng suplay ng kuryente kung  masama ang panahon tulad ng  bagyo.

Sinabi ni Bautista na karaniwan nang pinuputol ng Meralco ang suplay ng kuryente sa mga bahay at ne­gosyo sa tuwing may kalamidad bunga ng matinding ulan at malakas na bugso ng hangin kayat kung may ganitong uri ng proyekto sa QC, walang dahilan para mawalan ng kuryente ang mga taga-lungsod.

Inamin ni Bautista na bagamat malaking gastusin ang kailangan sa proyektong ito pero maganda naman anya ang magiging tulong nito para sa mga taga QC.

“Hope that 5 to 10 years from now, may development plan na ang Meralco para ilagay na sa ilalim ang mga kable ng kuryente upang wala nang brownout na ma­ranasan kahit dumaan pa ang bagyo,” dagdag ni Bautista.

 

BAUTISTA

GLENDA

INAMIN

MAYOR HERBERT M

MERALCO

PARA

QUEZON CITY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with