MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Bureau of Fire Protection National Headquarters (BFP-NHQ) ang malawakang balasahan sa kanilang hanay bilang pagsasaayos sa kanilang tanggapan, ayon sa kagawaran kahapon.
Nanguna sa balasahan sina Chief Supt. Ariel Barayuga, bilang bagong Deputy Chief for Administration (DCA). Siya ay dating Regional Director of BFP Region 3. Pinalitan ni Barayuga si Chief Supt. Samuel Perez na naitalaga naman bilang bagong Regional Director ng Region 12.
Bukod sa kanila, nabalasa rin sina Senior Supt. Maria Sofia B. Mendoza, dating Director for Operations, ng BFP-NHQ na itinalaga bilang Regional Director ng BFP-Cordillera Autonomous Region (CAR); papalit sa kanya ay si dating Cavite Fire Marshal Senior Supt. Armando B. Custodio.
Ang dating Director for Personnel, BFP-NHQ na si Senior Supt. Joselito A. Quibin ay itinalaga naman bilang bagong Assistant Regional Director for Administration ng BFP Region 8; pumalit naman kay Quibin si dating BFP Region 1 assistant Regional Director for Administration Senior Supt. Leonard M. Consolacion.
Inalis naman bilang BFP-NHQ Director for Logistics si Senior Supt. Leonides P. Perez at nire-assigned bilang Fire Marshal ng District 2, BFP-NCR. Habang ang dating Region 1 Director na si Senior Supt. Aloveel B. Ferrer naman ang naging bagong Director ng Region 3; pinalitan ni Ferrer si dating Region 4B director Senior Supt. Lorenzo DS De Guia.
Ang dating BFP Region 11 Assistant Regional Director for Administration na si Senior Supt. Louie S. Puracan ay naging bagong Director ng Region 4B, habang si Senior Supt. Sergio M. Soriano naman ang bagong Officer-in-charge ng Regional Director ng BFP-NCR.
Si Senior Supt. Samuel M. Jamias ang naging Regional Chief Directorial Staff ng BFP-NCR; habang ang bagong Regional Director ng BFP-R2 naman ay si Senior Supt. Leonardo M. Banago.
Si Senior Supt. Fennimore V. Jaudian ang itinalaga naman bilang bagong officer in charge ng BFP-NHQ; habang si Supt Lilibeth Simangan ang magsisilbing acting Director ng Logistics, BFP-NHQ. Ang huli ay si Supt. Felixberto F. Abrenica ang naging bagong District Fire Marshal ng District 4, BFP-NCR.
Ayon sa kagawaran, ang reassignment at designation ng mga senior officers ay epektibong ipinatupad ngayong buwan ng Hulyo sa pamamagitan ng Department Order 2014-954 na nilagdaan ni Atty. Peter C. Corvera, DILG Undersecretary for Public Safety.