MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang babae at isang lalaki matapos makuhanan ng 100 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City, iniulat kahapon.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Bolawan Sultan, 29, ng Philam Agham Road, QC; at Emah Ismael, alias Em, 32, ng Fairview, QC; at Junaid Sultan, 18, ng Rodriguez, Rizal.
Ayon kay Cacdac, nadakip ang mga suspek ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) matapos ang buy-bust operation na isinagawa sa isang food chain sa Commonwealth Avenue, ganap na alas-5:30 ng hapon.
Nagkunwaring bibili ng halagang P500 shabu ang isang PDEA agent sa mga suspek at nagkasundo na magpalitan ng items sa nasabing lugar.
Dagdag ni Cacdac, ang 100 gramo ng shabu na nakuha sa mga suspek ay tinatayang nagkakahalaga ng P250,000 sa merkado.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang cellphone at ang P500 marked money na ginamit sa buy-bust.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.