^

Metro

Nanloob, kumatay sa mag-asawa sumuko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumuko sa pulisya ang itinuturong pangunahing suspek na pumaslang sa mag-asawang senior citizen sa Caloocan City kamakailan, makaraang hindi umano makayanan ang kurot ng konsensya.

Nakatakdang sampahan ngayon ng kasong double homicide ang suspek na nakilalang si Benber Lacre, 41, ng Pag-asa, Quezon City.

Matatandaan na dakong alas-4:30 ng madaling- araw noong Hulyo 8 nang pasukin ng dalawang suspek ang bahay ng mag-asawang sina Herminigildo Suarez, 74; at Rosalina, 75, sa may Laforteza Subdivision, Camarin, ng naturang lungsod. Nakahingi naman ng saklolo sa mga kapitbahay ang 13-anyos na kasambahay na si Liway Salvalosa na nagresulta sa pagkakadakip ni Camposano habang nakatakas si Lacre.  Wala nang buhay nang datnan ng mga kapitbahay ang mag-asawang Suarez sa loob ng bahay dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Unang dinampot ng pulisya ang 34-anyos na si Efren Camposano na itinurong tumulong kay Lacre na tumakas.  Dinampot din ang tatlo pang construction worker.

Inamin ng suspek ang nagawang pagpatay habang nasa impluwensya siya ng alak.  Wala umano siyang balak na pagnakawan ang mag-asawang Suarez ngunit inamin na kursunada ang dalagitang si Salvalosa

BENBER LACRE

CALOOCAN CITY

EFREN CAMPOSANO

HERMINIGILDO SUAREZ

LACRE

LAFORTEZA SUBDIVISION

LIWAY SALVALOSA

QUEZON CITY

SUAREZ

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with