Karambola ng 19 na sasakyan, 8 sugatan

Labing-siyam na sasakyan ang nagkarambola makaraang mawalan ng kontrol ang isang truck sa south bound lanes ng Marcos Highway sa Marikina City. Walo katao ang iniulat na nasugatan sa insidente. ( Kuha ni BERNARDO BATUIGAS)

MANILA, Philippines - Walo katao ang na­sugatan sa karambola ng may 19 na sasakyan sa Brgy. Barangka, Marikina City nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Marikina Rescue 161, dakong alas-8:30 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa Marcos Highway, ma­lapit sa Katipunan Ave­nue sa Brgy. Barangka.

Sinasabing nawalan ng kontrol sa manibela ang isang container van nang pumalya ang preno na naging sanhi upang magkabanggaan ang may 19 pang iba’t ibang uri ng behikulo.

Sinakop ng mga ito ang tatlong lane ng truck na nagresulta sa mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Kaagad namang na­isugod sa pagamutan ang mga biktima na bahagya lamang nasugatan sa insidente.

Show comments