Magkakabit ng ‘jumper’, natusta

MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na lalaki na nagtangkang magkabit ng ‘jumper’  sa poste ng Meralco ang iniulat na nasawi sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Ayon kay Det. Richard Limuco ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-7:00 ng umaga nang umakyat ang biktimang si  Eduardo Angor sa poste ng Meralco upang umano’y magkabit ng ‘jumper’ Hinala naman ng mga tauhan ng Meralco na nahawakan nito ang isang live-wire na nagresulta sa kanyang pagkakakuryente dahil naabutan pa itong nakakapit sa isang wire. Wala ring suot na tsinelas at anumang proteksiyon sa katawan ng umakyat ang biktima sa poste.

Show comments