SUV salpok sa center island: 5 sugatan

MANILA, Philippines - Lima katao ang sugatan nang sumalpok ang sinasak­yan nilang sports utility vehicle (SUV) sa center island ng Mindanao Avenue, Quezon City, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 6 Jesselyn Quiambao, nakilala ang mga sugatan na sina Rogelio Maningas, 43, driver ng SUV; Chad Asiatico, 38; Edwin Garobo, 44; Jose Victoria, at Roderick Haraza.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Mindanao Avenue, sa Brgy. Tandang Sora, sa lungsod, ganap na alas-11:30 ng gabi.

Base sa pahayag ng driver na si Maningas, galing umano sila sa Quirino Highway pa­tungong Congressional Avenue, sakay ng Toyota Fortuner nang pagsapit sa nasabing lugar ay biglang may nag-cut na pampasaherong jeepney sa kanila.

Dahil dito, kinabig ni Ma­ningas ang kanyang manibela pakaliwa, hanggang sa rumampa ito sa center island at sumalpok sa tatlong puno.

Show comments