5 MMDA traffic enforcer suspendido
MANILA, Philippines – Siyamnapung-araw suspendido ang limang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer dahil sa iba't ibang kasalanan.
Inilabas ni MMDA chairman Francis Tolentino ang kautusan ngayong Huwebes sa rekomendasyon na rin ng legal department ng ahensya.
Hindi pinangalanan ng MMDA ang lima nilang tauhan dahil dinidinig pa lamang ang kanilang mga kaso.
Nahaharap sa magkakaibang reklamo ang mga traffic enforcer tulad ng alleged questionable apprehension of motorists, alleged grave abuse of authority, alleged violation of city ordinance for not wearing crash helmet, alleged falsification of public documents, at driving with delinquent driver’s license.
Nitong nakaraang buwan ay siyam na tauhan ng MMDA ang sinipa ng Traffic Discipline Office dahil sa pagkakasangkot sa magkakaibang kaso sa kalsada.
- Latest