^

Metro

96 paaralan nakinabang sa teaching tools project ni Vice Mayor Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 96 na pa­aralan sa Quezon City ang nabiyayaan ng 200 ‘Alpabasa Sets’, isang teaching tool na gamit ng mga mag-aaral sa kinder at grade 1 pupils upang mahasa nang husto ang ka­alaman sa pagbasa.

Ang proyektong ito na pinangunahang ilunsad  ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ay naisagawa sa P. Bernardo Elementary School sa pakikipagtulungan ng Learning Lion at ng Division of City Schools sa QC  sa ilalim ng programang ‘I LOVE CHILD Friendly  QC’.

Bago  naisagawa ang  pamamahagi ng ‘Alpabasa sets’, may 100 kinder at 100 grade 1 teachers ang suma­ilalim sa training workshop upang malaman kung paano gamitin ang ‘Alpabasa sets’  na kanilang gagamitin bilang bago nilang  teaching styles sa  mga paaralan.

Ang ‘Learning Lion Alpa­basa tools’  ay isang innovative game-based Early Reading program na magbibigay saya at magbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral kung anu ang pinakagustong gawin ng isang bata laluna ang paglalaro. Bawat paaralan ay tumanggap ng ‘Alpabasa sets’ (Kinder at Grade 1), 45 workbooks, 15 books, teachers­ Kit, Poster, QC Childrens Code Primer at Child friendly QC Primer.

Nais ng Learning Lion na maipamalas din ang proyektong ito sa iba pang paaralan sa buong bansa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng workshops at teaching tools na kailangan ng mga mag-aaral.

Ang ‘Alpabasa series’ ay may malaking tulong sa pagbabasa ng mga kinder at grade 1 pupil ng salitang Pilipino habang nasa murang edad  pa lamang bukod sa may series ito ng libro, games, flash cards, worksheets at orihinal na mga kanta na magagamit sa araw araw.

ALPABASA

ALPABASA SETS

BERNARDO ELEMENTARY SCHOOL

CHILDRENS CODE PRIMER

DIVISION OF CITY SCHOOLS

EARLY READING

LEARNING LION

LEARNING LION ALPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with