Produktong petrolyo muling sumirit
MANILA, Philippines - Panibagong dagdag pasanin sa publiko lalo na sa mga motorista ang muling pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis, kahapon ng umaga.
Nabatid na ang oil price hike ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation at Chevron Philippines at ang pagtaas ay nasa P0.45 kada litro ng gasolina at P0.10 naman sa diesel na epektibo kahapon ng alas-6:00 ng umaga.
Sumunod ding nagtaas ng kaparehas na halaga ang Seaoil, Total Philippines at Phoenix Petroleum habang wala naman paggalaw sa presyo ng kerosene. Ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan dahil sa patuloy pa ring tumitinding ang kaguluhan sa Iraq.
Bukod pa sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, samantala ang Petron Corporation ay nagbaba naman ng presyo ng kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG) na P0.10 kada kilo na katumbas ng P1.10 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram habang sa auto LPG naman ay nasa P0.06 kada litro na epektibo rin ng alas-alas-6:00 ng umaga kahapon.
Matatandaan, na huling nagpatupad ng pagtaas ng presyo ng gasolina ang naturang mga oil company ng langis ay noong Hunyo 24 ng taong kasalukuyan.
- Latest