Holdaper dedo sa parak
MANILA, Philippines - Utas ang itinuturong kilabot na holdaper makaraang mabaril ng mga nagrespondeng pulis matapos na makapambiktima, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City. Namatay noon din si Sandil Martin, residente ng Acero Street, Tugatog, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 ng madaling-araw nang makatanggap ng reklamo ang mga pulis na may naganap na holdapan sa nasabing lugar. Rumesponde naman ang mga awtoridad kung saan natiyempuhan ang papatakas na suspek. Humabol ang mga pulis na pinaputukan ng suspek. Gumanti naman ng putok ang mga awtoridad hanggang sa mapuruhan at bumagsak si Martin. Nakuha sa tabi nito ang isang kalibre .38 baril na gamit nito sa pambibiktima.
- Latest