MANILA, Philippines - Mawawalan ng tubig simula ngayong Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga ang mga Barangay Nangka at Parang sa Marikina City.
Ayon sa water concessionaire na Manila Water, ang water service interruption sa mga naturang barangay ay bunsod nang maintenance work na isinasagawa sa panulukan ng Notre Dame at Ermin Garcia Streets.
Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng Manila Water sa mga residente ng apektadong barangay na mag-imbak ng sapat na tubig upang magamit nila sa panahon ng pangangailangan.
Nilinaw rin nito na ang naturang aktibidad ay para sa ikagaganda ng kanilang serbisyo.