MANILA, Philippines - Utas sa dalawang bala sa pisngi ang isang 42-anyos na kelot nang barilin umano ng kakilalang tomboy sa Port Area, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Bago umano tuluyang malagutan ng hininga, nasabi pa ng biktimang si Michael Dickey, ng Baseco Compound Port Area, Manila kung sino ang bumaril sa kaniya.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Jerlyn, 29, nang yakapin umano niya ang naghihingalong kuya ay nagsalita pa ito ng “Bhe, binaril ako ni Nani Tomboy”.
Dahil dito, tinutugis na ng pulisya ang sinasabing tomboy na residente rin sa nabanggit na lugar.
Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:00 ng madaling- araw, nang makarinig ng magkasunod na putok ng baril si Jerlyn kaya dumungaw siya sa bintana upang alamin kung saan nagmula ang putok.
Nakita niya ang kaniyang kuya na duguan kaya agad niya itong nilapitan. Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.