^

Metro

Trabaho para sa mga technical/vocational graduates isinulong ni VM Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang programang naglalaan ng trabaho sa lahat ng mga technical at vocational course graduates sa National Capital Region, partikular sa Quezon City sa ilalim ng Jobs Bridging Program ng kanyang tanggapan.

“Ito ay patuloy nating gagawin, ang programang ito ay pagtatagpo ng mga graduates at trabaho para mabigyan ng hanapbuhay ang mga technical at vocational course graduates natin upang makatulong sila sa kanilang pamilya,” pahayag ni Belmonte.

Katulong ng tanggapan ni Belmonte sa programang ito ang TESDA, Department of Labor, Dept. of Social Welfare and Development at Meralco Foundation Inc. na inilunsad sa Trinoma sa lungsod.

Mahigit 50 kompanya ang nakiisa sa proyektong ito na naglaan ng trabaho sa naturang mga graduates at libong mga graduates naman mula sa NCR ang nagsipag-aplay sa naturang mga kompanya.

“Para itong jobs fair, ang pagkakaiba nga lamang sa programang ito ay pinag-uugnay natin ang kanilang natapos na kurso sa mga trabahong naghihintay para sa kanila,” dagdag ni Belmonte.

BELMONTE

DEPARTMENT OF LABOR

ISINULONG

JOBS BRIDGING PROGRAM

MERALCO FOUNDATION INC

NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with