MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ng MetropoÂlitan Manila Development Authority (MMDA) na i-recycle at gawin na lamang rescue boats ang libu-libong plakang nakumpiska nito upang mapakinabangan at hindi maÂsayang.
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, kung sila aniya ang masusunod nais na nilang tunawin ang may 22,628 na plakang nakumÂpiska upang gawin na lamang itong bangka.
Ngunit, kailangan pa nilang humingi ng pahintulot sa COA at oras na sila’y pagbigyan ay maari umano itong simulan.
Nabatid, na una nang isinaÂpubliko ni Tolentino ang kabuuang 22,628 na nakumpiskang plaka ng ahensiya mula taong 1994 hanggang 2004 na hindi na kinuha ng mga may-ari at ito’y nabubulok na umano sa kanilang tanggapan.
Sa kabuuang bilang, 4,595 dito ay dahil sa illegal parking, sinundan ng reckless driving na umabot 4,017; unÂregistered vehicles, 3,238; out of line, 2,757; at colorum, 2,184.
Ang malaking bilang umano ng unclaimed plates o hindi na kinuha ay mula sa motorsiklo na 7,494; private vehicles, 5,800; public utility jeepneys (PUJs), 4,584; buses, 3,700; trucks, 700; at AUVs, 350.