Gawaan ng pekeng pera, dokumento sinalakay
MANILA, Philippines - Dalawang pagsalakay ang isinagawa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa tinaguriang “Recto University “ o mga sindikato na namemeke at nanggagaya ng mga official documents, peso bills, diploma at iba pa kamakailan sa nabanggit na lungsod.
Ang sinalakay ay ang kahabaan ng CM Recto, sa Sta Cruz, Maynila kaugnay sa mga iligal na gawain, kabilang ang pagdakip sa sangkot sa gumagawa at nagbebenta ng mga pekeng gamot, medical products, mga opisyal na dokumento at pekeng pera .
Kamakalawa, dakong alas 5:00 ng hapon nang pagbibitbitin ang mga tinaguriang ‘fixer’ at ‘canvasser’ ng sindikato na umabot sa 14 na katao, habang noong nakalipas na Linggo naman ay nasa 20 katao ang dinampot din at pinagharap ng kaukulang kaso.
Ang raid ay pinangunahan ni MPD Chief Directorial Staff Senior Supt. Gilbert Cruz makaraang mismong ang maging biktima ay ang Bureau of Permit ng mga pekeng pera na ibinayad ng nagsasagawa ng transaksiyon.
Agad namang isinagawa ang surveillance kung saan natunton ang lugar na pinagÂlulunggaan ng mga suspects at saka isinagawa ang pagsalakay.
Nasamsam ng mga opeÂratiba ang mga computers, CPU, plaka ng sasakyan at plate sa paggawa ng pekeng pera .
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nabanggit.
- Latest