Metrowide earthquake drill, giit gawing regular
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa pagsasagawa ng Metro Manila-wide earthquake drill upang paghandaan na rin ng mga residente ang pagdating ng kalamidad matapos yanigin ang ilang bahagi ng Metro Manila at karatig probinsiya ng 5.7 magnitude na lindol, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, dapat aniyang gawing regular ng mga tanggapan ng pamahalaan, local government units gayundin ng mga pribadong organisasyon ang earthquake drills at disaster management trainings upang mapanatili ng publiko ang kaalaman nito kung ano ang mga dapat gawin tuwing may lindol.
Idinagdag pa nito, ang naganap na lindol kamakalawa ay isang paala lamang sa lahat na dapat laging handa sa anumang mga darating na kalamidad tulad ng lindol.
Ang Metrowide drill ay dapat lalahukan ng 17 local government units, national government offices, educational institutions, at iba pang stakeholders upang lalo pang palakasin ang ugnayan ng iba’t ibang sektor sa panahon ng sakuna.
Una nang inorganisa ng MMDA ang “Oplan Metro Yakalâ€, isang earthquake conÂtingency plan ng ahensiya na siyang awtomatikong ipapatupad sa panahon na tumama ang malakas na lindol sa Metro Manila.
Ang “Oplan Metro Yakal†ay kinabibilangan ng 6,000-strong workforce ng ahensiya na sinanay bilang rescue volunteers sa ilalim ng Task Force Rainbow, kasama ang 1,000 volunteers mula sa iba’t ibang barangays at asosasyon ng fire brigades at civic organizations.
- Latest