MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na batang hamog ang sinaksak ng isang driver matapos pumalag ang una nang sitahin ng huli na bumaba sa estribo ng jeep sa pag-aalalang maaksidente ito, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Nilapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Eddie boy Veros, taga-Paliparan, Dasmariñas, Cavite sanhi ng tinamong saksak sa katawan.
Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insiÂdente alas-3:30 ng madaÂling- araw sa Taft Avenue, Rotonda ng naturang siyudad.
Base sa ulat, sumampa ang biktima sa estribo ng pampasaherong jeep na miÂnamaneho ng suspek na hindi naplakahan. Sinita ng driver na bumaba ang biktima dahil sa pag-aalalang maaksidente ito, subalit matigas ang ulo ng una at hindi bumaba.
Dito na bumaba ang suspek at pinuntahan sa likod ng jeep ang binatilyo, subalit nanlaban pa ang huli dahilan upang bumunot ng patalim ang una at inundayan nito ng saksak si Veros.
Dahil nakaramdam ng kirot at dumudugo ang tiyan ng biktima, humingi ito ng tulong sa kaibigan at kapwa nito batang hamog na si R-Jay Isidro at dinala ito sa naturang pagamutan. Ang suspek naman ay maÂbilis na tumakas.
Samantala sa Maynila naman, nadakip ang dalawang menor-de-edad na ‘jumper boys’ na positibong itinuro sa pananaksak sa pahinante ng truck na kanilang kinulimbatan sa Tondo, Maynila, kamakalawa.
Kinilala ni Don Bosco-Police Community Precinct, commander, C/Insp. RizaÂlindo Morales, ang mga naÂarestong sina alyas Ronnie, 17; at alyas Mike, 15, kapÂwa reÂsidente ng Temporary HousingÂ, Vitas,Tondo.
Sa ulat, alas-3:00 ng madaling-araw nitong Martes nang maganap ang insidente sa panulukan ng Road 10 at Capulong Highway, Tondo.
Huminto umano ang truck na minamaneho ni Ruben Maniago nang akyatin ng mga suspek at pasukin ang truck, saka mabilis din umanong sinaksak sa tuhod ang kanyang pahinante. Kung saan tinangay ang tool box ng truck na tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa truck.
Nang i-report sa nakaÂsasakop na barangay ay niÂÂrespondehan ng mga baÂrangay tanod at naabutan pa ang dalawa sa bahagi pa ng Road 10.
Ipinagharap na ng kasong robbery at serious physical injury si Ronnie sa Manila ProÂsecutor’s Office habang itinurn-over naman sa Department of Social Welfare and Development-RAC sa Maynila si Mike, na wala pa sa sapat na edad upang ipagharap ng kaso sa piskalya.