MANILA, Philippines - Isang miyembro ng BaÂrangay Police Safety Officer (BPSO) ang nasawi habang sugatan din ang isang kasamahan nito na tinamaan ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ang una ng isang armadong suspect sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.
Si Michael Jarabelo, 41, BPSO member ng Brgy. San Isidro Labrador ay nagawa pang maisugod sa ospital pero idineklara ring dead-on-arrival dahil sa mga tama ng bala sa kanyang katawan, ayon kay SPO1 Joe Gagaza.
Nakaratay naman sa ospital ang sugatang biktima na si Alejandro Merin, 41, na nagtamo naman ng tama ng bala ng baril sa dibdib.
Mabilis namang tumakas ang suspect sakay ng isang Suzuki Skydrive motorcycle matapos ang krimen. Nangyari ang insidente sa may Baco St., cor. Maria Clara St., Brgy. San Isidro Labrador alas-4:05 ng maÂdaling-araw.
Base sa pahayag ng suÂgatang si Merin, nagpaÂpatrulya sila ng biktima sakay ng isang multicab ng kanilang barangay nang biglang sumulpot ang motorsiklo at hinarang sila.
Mula rito ay bumaba ang suspek sa motorsiklo saka nagbunot ng kanyang baril at pinagbabaril si Jarabelo. At dahil nasa likod si Merin ng biktima ay tinamaan din ito ng ligaw na bala.
Patuloy ang imbestigasÂyon ng awtoridad sa nasabing insidente.