MANILA, Philippines - Upang maibsan ang krimen, nagtalaga ng karagdagang bilang ng pulis ang lungsod ng Taguig.
Malugod namang tiÂnanggap ng pamahalaang lungsod ng Taguig City at Taguig City Police ang may 97 karagdagang pulis.
Nabatid na ang mga bagong dating na pulis ay ide-deploy sa 28 barangays at upang mapabuti aniya ang police visibility na ipatutupad dito.
Layunin nito ay upang maibsan ang nagaganap na mga krimen sa natuÂrang lungsod.
Sinabi ni Senior SupeÂrintendent Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, ang mga karagdagang pulis ay makabubuti para sa mababang police-population ratio sa lungsod at sa kasalukuyan ay may isang pulis sa 2,700 katao.
Ang nararapat na ratio ay isang pulis sa bawat 500 katao.
Ayon kay Asis, alam aniya nila na may problema sa kakulangan ng pulis sa naturang lungsod, gayunman tinitiyak nito na mararamdaman ng mga maÂmamayan na sila ay ligtas.