MANILA, Philippines - Isa na namang lalaki ang pinagbabaril at naÂpatay ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa lungsod ng Malabon, kahapon ng umaga.
Agad na nasawi dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo at kaÂtawan ang biktimang nakilalang si Ronald RodÂriguez, 35, ng Sanciangco St., ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, mag-isang naglalakad umaÂno sa may Gov. Pascual Street sa naturang baÂrangay ang biktima dakong alas-2:55 ng madaling-araw nang dikitan ng mga suspek at kumprontahin.
Dito pumailanlang ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa kaswal na magpulasan ang mga suspek.
Narekober sa lugar ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 malapit sa bangkay ng biktima.
Inaalam pa ngayon ng pulisya ang motibo ng krimen na posibleng may kiÂnalaman sa mga sindikato ng krimen na naglulungga sa naturang lugar.